Friday, December 16, 2011

‘THE MANILA KINGPIN: The Asiong Salonga Story’: Ang Pagbabalik ng Tunay na Pelikulang Pinoy?


Napaka-unique talaga ng taste ng mga Pilipino pagdating sa pelikula. Basta maganda at pogi ang bida- blockbuster hit agad. Kapag nag-tambal si Budoy, ay este, si Gerald at Sarah sumisipa sa takilya! (Sorry Kim.) At higit sa lahat, kapag baklang mukhang kabayo, na sa matinong mundo ay sadyang ubod ng pagiging non-sense, ang bida, aba eh, highest grossing film of all time sa Pilipinas.

Leche!

Ewan ko lang kung bakit ever since namatay si Da King, Fernando Poe Jr. (na pinaniniwalaang ika-15 na Pangulo ng Pilipinas) ay wala nang pumapatok na Filipino action movie. Gagawa nga sila ng aksyon, commedy at may halong horror pa ang kasamang timpla. Nakakasuka. For short, figurative fictional action.

Ito nga siguro marahil ang dahilan kung bakit ngayong bukana ng dekadang 2010’s ay dumami ang may lahing berde, at kung bakit numinipis ang bilang ng mga barako sa mundo. Pero, to make it clear, hindi ko po dinidiskrimina ang mga bakla. Mahal ko sila.

Pero sa awa ng Diyos, may mga matitino pa rin palang Filipino artists/filmmakers, tulad nina Ricky Lee Jim Libiran, at Tikoy Aguiluz na siyang may dakilang pangalan sa inaabangan kong ‘THE MANILA KINGPIN: The Asiong Salonga Story’ na pinagbibidahan ng napaka-maganda at propesyunal na artistang si Carla Abellana at ng matikas na gobernador ng Laguna, na si E.R. “Jeorge Estregan” Ejercito bilang si Nicasio “Asiong” Salonga- isang makototohanang Tondo Robin Hood noong 1950’s, na ibang-iba ang imahe sa mga aspiring state-side gangsters sa Pilipinas. Pwera kasi sa aksyon, inaabanagan ko rin ang makulay na ebolusyon ng pop-culture sa Metro Manila, sa pamamagitan ng black and white cinematography, na kung titngnan ng isang may perspektibong artist, ay nagpapakita sa’yo ng isang malupit na artistic interpretation na hindi kayang tumbasan ng pelikulang may ‘ina mo.
Ang orig na hari ng Tondo: Asiong Salonga

Pero, katulad ng inaasahan, kahit gaano kaganda ng konsepto at artistic value ng pelikulang Asiong Salonga, ay asahan nating hindi ito tatabo sa takilya katulad ng Agimat at nang napaka-uhm, na Enteng ng Ina Mo. Unang-una sa lahat, kilala mo pa ba si Jeorge Estregan?

Ipinagdarasal ko pa rin na sana, ang pelikulang ito ay siyang maging hudyat ng cinematic revolution sa Pinas. Cinematic-cultural revolution na magpapakita ng tunay na pelikulang Pinoy na astig, na siyang titingalain ng mga kabataan sa halip ng Praybeyt Benjamin, na kung saan obvious ang pagbibigay ng kalituhan sa pangalan ng realidad.

No comments:

Post a Comment