Saturday, January 7, 2012
Ang Hiwaga ng Musika ng Banda Katorse
Isang Linggo yaon. Umiikot ako sa Trinoma Mall, Quezon City para sa napaka-raming dahilan. Malamang, isa doon ay ang pag-contemplate ng diwa ng Pasko sa gitna ng mundong pinupino ng mga taong lumalamon ng iba't ibang uri ng pagkain at gumagasto para sa (kadalasa'y) napaka-walang kwentang bagay sa mundo: isang malupit na dahilan kung bakit masakit lunukin ang paratang na 'materialistic'. So pagkatapos kong magpabili ng mga t-shirt doon sa bazaar sa Landmark ('yung kadikit ng Trinoma), thanks to my mom, ay tumambay muna kami ng tito ko doon sa food court, (na salamat sa Diyos) ay walang mga iskwater na, kadalasan kapag Sunday, ay nag-aastang isang kolehiyala at konyo. Ewan ko lang kung anong bagay pa ang mas nakakairita pa sa mga ganitong uri ng tanawin.
So, 'yun nga. Bumili ang er-mats ko ng Barbie doll para sa kapatid kong makulit. Naiwan ako, kasama ang tito ko, na wala nang ibang alam sitahin kundi ang lumulobo kong bilbil. Pero, gusto kong kasama 'yung tito ko, kaya inin-joy ko ang bonding moment namin na yaon. Sakto, tumugtog ang isang banda- isang orchestral (o sa unang hinala ay isang 'marching band') na banda na obvious kung saan hinulma ng May-kapal. Obvious, in a sense, na naka-borda sa mga damit nila ang 'Baliwag, Bulacan'.
Ang tinutukoy ko pong banda ay hindi 'yung mga kinagawian ko nang mga tumutugtog ng paborito kong rak-en-rol ah. Sila ang Banda Katorse (Banda 14), na oo nga, galing sa Baliwag, Bulacan. Well, isa sa mga ina-advocate kong advocacy ay ang pagbubura ng ating mga p*****inang napaka-ignoranteng pre-conceived notions sa music. Ginagawa ko ito hindi dahil isa akong musikero (dahil hindi naman talaga), (pero gusto kong maging musikero), kundi dahil sa napaka-sensitibong pagtingala natin sa mga tracks at sound beats na hinahatid sa atin ng orchestral music. Pero, lulununukin ko na ang masalimoot na katotohanang umieksiste nga pala ako sa mundo ng RnB, hip-hop, K-pop, at iba pang ibang uri ng pop genre, na maraming sangay na, putcha 'tol, nakakabobo.
Napaka-hip ng mga tinutugtog ng Banda 14. Puwera kasi sa pagiging background lamang nila sa umiikot na Santa Claus, (na nag-volunteer para magpa-letrato sa utol kong batang babae), ay tinugtog nila ang ibang kanta na nagbibigay ng isang nostalgic feeling, in memory of my grandfather. Sobra akong natuwa. Napaka-dakila ng Diyos. Unang tinugtog nila 'yung 50's Christmas hit na 'White Christmas' na talagang nagpakilig sa aking nanlalamig na atay. Sinundan pa nila ito ng isang Christmas song ng idol kong si John Lennon, 'yung 'Happy Christmas'. Dinamdam ko ng lubos 'yung mga tugtog. Pero, isa sa mga bagay na pumilit sa aking pumalakpak sa kanila, ay noong tinugtog nila ang dalawang hit ni Bruno Mars. Putcha, 'dre, napaka-lupit. Napaka-kj mo masyado kung hindi mo ma-appreciate ang pagka-dalisay at pagka-dakila ng mga musikerong ito.
Malupit ang conductor nila. Kakilala ng tito ko (na isang branded na tambay na tomotoma ng kape ng Dunkin sa Trinoma) ko. Ang conductor ay lumilingon sa tawag na JR, na kahit may in-born defect sa kanyang kanang kamay at talagang masisiyahan ang iyong pang-morgueng kaluluwa't bangkay. Hay, isang propesor lang naman po ang mamang ito sa Conservatory of Music sa Unibersidad ng Pilipinas. Malamang ay dumaan na siya sa mga nota at kamay ni Maestro Ryan Cayabyab. Sa indak ni Mang JR, ay talagang ma-eengganyo ka sa musikang taglay ng kanilang banda, ay este, kanilang angkan. I repeat, angkan. Lahat sila ay, kung hindi mag-uutol, ay magpipinsan- to the fourth degree mga 'pre. They were founded lang naman in 1914 sa Baliwag, Bulacan. Nakakatuwa ang musikang tinataglay ng kasaysayan ng banda. Ang pinaka-bata, kung hindi ako nagkakamali, ay isang 9-year-old. Dre, sa lupet ng formation nila ay napaka-unique: at a very young and tender age of two to four, ay instead na mga laruang musical instruments na maaring may lead na galing sa Divisoria, ay isang bakal na instrumentong pang-musika ba naman ang ipapalapit sa'yo. Hindi mo masisisi, kung bakit sila ganoon ka lupit.
Tandaan, ang musika ay walang pinipiling panahon. Sa totoo lang. Kahit ang tugtog ay Mozart man, o Nicanor Abelardo man, o Levi Celerio man, o John Lennon man, o Gary Valenciano man, o kahit na Andrew E., ay parehong musika lang naman lang lahat yan. Ang hirap kasi, uulitin kong, napaka-babaw ng ating appreciation sa music. Palibhasa kasi, we are living in a society na kahit basta't kinakanta ni Charice at basta't ang beat ay may pagka-Korean melodic, ay tanggap na agad ng madla- bilang music.
"Gone are the days of notes, tones, rythyms, etc. For short, gone are the days of true music." - yan ang pilosipiya kong pinaninindigan ko, hanggang narinig ko ang palakpak ng mga kabataan sa pagtugtog ng Banda 14.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment