Sunday, August 28, 2011

Ang Aming Alay sa Pambansang Wika


Ang likhang sining na inyong nakikita ay ang likha namin ng aking mga kaklase na sila Alexander Rico, Stiphen Oblina, John Fhil de Leon, Jeaczel Pangilinan, at ng inyong Pintakasi.

Proyekto 'to ng mga kong mga kaklase sa Filipino.

Nanalo kami sa contest na sinalihan naming lima.

May mga simbolo itong taglay. (Halata naman siguro.)

Ang tema o paksa kasi ng patimpalak na yaon ay, "WIKANG FILIPINO AY WIKANG PANLAHAT: ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDAS."

Ang apoy ay nagsisimbolo ng pagiging ilaw ng wikang ito na siyang tumatanglaw sa ating mga Pinoy.

Ang aklat na may nakasulat na alibatang interpretasyon ng 'Pi-Li-Pi-No' ay ang simbolo ng kadakilaan ng wikang ating minana mula sa mga ninuno nating mga Malayo.

Ang dahon ng laurel ay rumiriprisinta ng kaluwalhatian ng wikang ito. Kadalasan kasi itong pinuputong sa mga niluluwalhati't dinadakilang mga tao, katulad na lamang ng Romanong Emperador na si Julius Caesar at ng ating bayaning makata't akda ng Florante at Laura, si Francisco Baltazar.

Ayoko nang ibahagi pa yung ibang ibig sabihin, (mahaba na 'tong blog na 'to eh). Bahala na kayo mag-bigay ng interpretasyon, lalo na sa kalsadang 'yan.
(Political Hypocrites!!!)

Mabuhay ang Wikang Filipino,
sagisag at dangal ng lahi,
na siyang gabay at tanglaw
naming mga kayumanggi.

Kung sino man 'yung nag-sulat ng artikulo sa Manila Bulletin tungkol sa kamang-mangan ng wikang Noypi, ito ang aking masasabi...

Lumayas ka na sa 'Pinas.
GO TO HELL, parekoy.

No comments:

Post a Comment