Wednesday, August 31, 2011

Mga Bayaning Noypi

Habang tayo'y nagpapakasaya sa long weekend na inaprubahan ng Pangulo, ay inaalala naman natin ang Araw ng mga Pambansang Bayani.

Maraming tarantadong pilosopong kalye ang hindi nakakaunawa o (sabihin nating) ignorante sa salitang 'bayani', at dagdagan mo pa ito ng 'pambansa', aba eh si Gat Jose Rizal agad ang pumapasok sa 'nabubulok' nilang kamalayan.

OO, pinunla ng dugo't pawis ng ating mga kababayan ang kalayaang ating tinatamasa sa kasalukuyan, NGUNIT at SUBALIT hindi naman natin ito masyadong inaalala dahil sa kaligayahan ng bakasyon, na kung aan ang karamihan ay pipiliin nalang mag-kamot ng 'ALAM NIYO NA'.

Sayang lang ang kabayanihan nila, kung hindi rin naman natin bubuhayin ang ating pagiging makabayan, na sa makikitid na kaisipan ng nakakaraming Pinoy ay isang kachurvahan na lamang.

Mabuhay ang mga PROPAGANDISTA at Katipunero na lumaban sa mga hinayupak na mga Kastila!

Mabuhay ang mga manunulat at ang mga sundalong nakipag-digma sa mga Kano!

Mabuhay ang mga guerilla at mga nabubuhay at yumaon nang mga beterano na lumaban sa impyernong dala ng mga Hapon.

Mabuhay ang mga aktibista na nakibaka laban sa ngipin ng Diablo noong dekada '70!

Mauhay sila Rizal, Bonifacio, Mabini, Tandang Sora, Lapu-Lapu, Ninoy at iba pang mga bayani!

Mabuhay ang mga manggagawa sa ating panahon.... mga idoL, bayani kayo!!!

Mabuhay ang mga BAYANING NOYPI!

No comments:

Post a Comment