Tuesday, November 1, 2011
Nakakatakot! (Part 2)
Dia de la Muerte- Day of the Dead- Araw ng mga patay.
Ito na naman tayo. Bakit ba pag-undas ang hilig natin sa mga kakatakutan? O sadyang trip lang ba talaga nating pagtripan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pananakot? Pero, talaga kasing napaka-interesting pag-usapan ang mga kababalaghan na nakiki-sikisik sa ating sumisikip nang daigdig-mga kababalaghang galing 'di umano sa mga iba't-ibang elemento sa ating planeta. Total ito rin naman ang pag-uusapan natin, nais ko lang itanong kung gaano ba talaga ka totoo ang mga misteryosong nagaganap sa ating daigdig?
Ayon sa ilang psychologists, ang tendency raw ng pananakot natin sa ating sarili ay halos pantay sa tendency ng ating reaction kapag nakikiliti ang ating mga sexual apetite. Hindi man ako psychologist pero nais kong i-hypothesize na sadyang napaka-extreme nating mga miyembro ng animalandia sa mga misteryo at sa libog. Hind natin kayang tanggihan ang temptasyong dulot ng libog, at ganun rin ang hindi natin pag-tanggi sa pakikinig sa mga kwento tungkol sa white lady sa Balete Drive. Parang kung paano tayo nasasabik sa pelikulang katulad ng 'Coming Soon' ay ganoon rin ang ating pananabik sa mga porn movies na pinagbibidahan nila Maria Ozawa o Faye Reagan.
Nakakatawa lang minsang isipin kung gaano tayo ka-hook sa mga pelikulang horror na 'di umano'y 'based on a true story'. Isang halimbawa ay ang cinematic documentary na 'Paranormal Activity' na ayon sa ibang psychic na iskolar ay hindi naman raw talaga totoo. Pero hindi naman natin pinapansin ang mga makatotohanang kwentong horror, katulad ng 'The Exorcist' at 'The Rite' na actual na mga pangyayari mula sa mga kapariang pinagpala ng panginoon ng kapangyarihang exorcismo. Sa Pilipinas, ay kilalang exorcist si Fr. Jocis Syquia- ang kasalukuyang official archdiocesan exorcist ng arkidiyoses ng Manila. Maraming banal na santo na rin ang kinilala dahil sa kapangyarihang pinagpala sa kanila ng May Kapal na makapag-palayas ng mga masasamang espiritu. Ilan rito ay sina Padre Pio de Pietrelcina at si Beato Pope John Paul II (na ayon sa tala ay mahigit apat na beses nang nakipag-engkwentro sa Diablo).
Sa kasaysayan ng ating bansa ay makikitang hindi impluwensiya ng mga Kastila ang ating mapag-celebrate ng Halloween. Galing ito sa mga sina-unang paganong Mexicano na kapag November 1 ay nagtatanghal ng Dia de la Muerte- isang tradisyon na kung saa'y pinapaniwalaan nilang nagpipyesta ang mga yumao. Ang atin ring pag-aalala sa mga yumao: ang ating pagdalaw sa mga puntod o sementeryo ay hindi rin galing mula sa mga Kastila, bagkus ay galing ito sa mga Intsik na ginagawa ang pag-samba sa mga yumao o 'Ancestral worship'. Hindi ba't inaalayan nila ng pera o pagkain ang mga mahal nilang nauna sa kanila. At lalo't higit ang pag-hahanda natin ng halloween parties kung saan ay patok ang mga costume na nakakatakot at ang 'trick or treat' na isang kulturang kanluranin. Siguro ang ambag lang ng mga Kastila sa ating popular na kultura sa araw ng mga patay ay mga pag-dasal ng Santo Rosario at pagpapa-misa sa kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay.
Ang November 1, para sa Iglesia Catolica ay isang dakilang kapistahan o 'solemnity'. Pero nakakatuwang isipin na ang Dakilang Kapistahan ng mga Banal o Solemnity of All Saints ay isang araw ng mistulang pagbibigay pugay kay Satanas- sa Diablo. Hindi ba't ang mga mukha ng mga santo ay napaka-banayad, mahinahon, maliwanag, at dakila pero bakit ang mga mukhang kumakalat sa mga bangketa at sa mga mall ay mga mukha ng kalabera, ng mga aswang, ng Diablo, ni Kamatayan, mga mangkukulam, mga gagamba, mga ligaw na kaluluwa, at iba pa. Ganoon ba ang mukha ng mga itinuturing na banal ng simbahang Katolika?
Ito ang isang bagay na pinatatamaan ni Kuyang Mideo Cruz sa kanyang 'Kulo' (na naman).
Hay, mga minamahal na kaibigan, ito ang isang simpleng paglalahad ng ating sabog-sabog na polymerizated occidental and oriental pop culture. Pero ito lang ang huling nota: ika nga ni Lourd de Veyra sa kanyang nakaka-TANGINA THIS! na 'Word of the Lourd', "WALANG BASAGAN NG TRIP."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment