Showing posts with label Mideo Cruz. Show all posts
Showing posts with label Mideo Cruz. Show all posts

Tuesday, November 1, 2011

Nakakatakot! (Part 2)


Dia de la Muerte- Day of the Dead- Araw ng mga patay.

Ito na naman tayo. Bakit ba pag-undas ang hilig natin sa mga kakatakutan? O sadyang trip lang ba talaga nating pagtripan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pananakot? Pero, talaga kasing napaka-interesting pag-usapan ang mga kababalaghan na nakiki-sikisik sa ating sumisikip nang daigdig-mga kababalaghang galing 'di umano sa mga iba't-ibang elemento sa ating planeta. Total ito rin naman ang pag-uusapan natin, nais ko lang itanong kung gaano ba talaga ka totoo ang mga misteryosong nagaganap sa ating daigdig?

Ayon sa ilang psychologists, ang tendency raw ng pananakot natin sa ating sarili ay halos pantay sa tendency ng ating reaction kapag nakikiliti ang ating mga sexual apetite. Hindi man ako psychologist pero nais kong i-hypothesize na sadyang napaka-extreme nating mga miyembro ng animalandia sa mga misteryo at sa libog. Hind natin kayang tanggihan ang temptasyong dulot ng libog, at ganun rin ang hindi natin pag-tanggi sa pakikinig sa mga kwento tungkol sa white lady sa Balete Drive. Parang kung paano tayo nasasabik sa pelikulang katulad ng 'Coming Soon' ay ganoon rin ang ating pananabik sa mga porn movies na pinagbibidahan nila Maria Ozawa o Faye Reagan.

Nakakatawa lang minsang isipin kung gaano tayo ka-hook sa mga pelikulang horror na 'di umano'y 'based on a true story'. Isang halimbawa ay ang cinematic documentary na 'Paranormal Activity' na ayon sa ibang psychic na iskolar ay hindi naman raw talaga totoo. Pero hindi naman natin pinapansin ang mga makatotohanang kwentong horror, katulad ng 'The Exorcist' at 'The Rite' na actual na mga pangyayari mula sa mga kapariang pinagpala ng panginoon ng kapangyarihang exorcismo. Sa Pilipinas, ay kilalang exorcist si Fr. Jocis Syquia- ang kasalukuyang official archdiocesan exorcist ng arkidiyoses ng Manila. Maraming banal na santo na rin ang kinilala dahil sa kapangyarihang pinagpala sa kanila ng May Kapal na makapag-palayas ng mga masasamang espiritu. Ilan rito ay sina Padre Pio de Pietrelcina at si Beato Pope John Paul II (na ayon sa tala ay mahigit apat na beses nang nakipag-engkwentro sa Diablo).

Sa kasaysayan ng ating bansa ay makikitang hindi impluwensiya ng mga Kastila ang ating mapag-celebrate ng Halloween. Galing ito sa mga sina-unang paganong Mexicano na kapag November 1 ay nagtatanghal ng Dia de la Muerte- isang tradisyon na kung saa'y pinapaniwalaan nilang nagpipyesta ang mga yumao. Ang atin ring pag-aalala sa mga yumao: ang ating pagdalaw sa mga puntod o sementeryo ay hindi rin galing mula sa mga Kastila, bagkus ay galing ito sa mga Intsik na ginagawa ang pag-samba sa mga yumao o 'Ancestral worship'. Hindi ba't inaalayan nila ng pera o pagkain ang mga mahal nilang nauna sa kanila. At lalo't higit ang pag-hahanda natin ng halloween parties kung saan ay patok ang mga costume na nakakatakot at ang 'trick or treat' na isang kulturang kanluranin. Siguro ang ambag lang ng mga Kastila sa ating popular na kultura sa araw ng mga patay ay mga pag-dasal ng Santo Rosario at pagpapa-misa sa kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay.

Ang November 1, para sa Iglesia Catolica ay isang dakilang kapistahan o 'solemnity'. Pero nakakatuwang isipin na ang Dakilang Kapistahan ng mga Banal o Solemnity of  All Saints ay isang araw ng mistulang pagbibigay pugay kay Satanas- sa Diablo. Hindi ba't ang mga mukha ng mga santo ay napaka-banayad, mahinahon, maliwanag, at dakila pero bakit ang mga mukhang kumakalat sa mga bangketa at sa mga mall ay mga mukha ng kalabera, ng mga aswang, ng Diablo, ni Kamatayan, mga mangkukulam, mga gagamba, mga ligaw na kaluluwa, at iba pa. Ganoon ba ang mukha ng mga itinuturing na banal ng simbahang Katolika?

Ito ang isang bagay na pinatatamaan ni Kuyang Mideo Cruz sa kanyang 'Kulo' (na naman).

Hay, mga minamahal na kaibigan, ito ang isang simpleng paglalahad ng ating sabog-sabog na polymerizated occidental and oriental pop culture. Pero ito lang ang huling nota: ika nga ni Lourd de Veyra sa kanyang nakaka-TANGINA THIS! na 'Word of the Lourd', "WALANG BASAGAN NG TRIP."

Tuesday, October 18, 2011

Saradong Katoliko ang mga Pilipino


Isa marahil sa pinaka-magandang ugali ng Pilipino patungo sa popular na kultura ay ang pagiging masidhing mananampalataya. Lalo na sa 80% ng Pinoy na 'di umano'y mga "saradong katoliko." Pero itong masyado nating pagiging relihiyoso, ay sa totoo lang, malayo talaga sa tunay at awtentikong tawag sa atin bilang mga Kristyano.


Ika nga ng isa kong kilalang theologian, ang simbahan raw ang sentro ng mga baliw sa buong daigdig. Ang article na ito ay nais ipamukha ang ilang mga, sadyang dehins na dehins ang pag-angkop sa buhay-Kristyano.


Kuha mula sa lumang parokya ng San Felipe Neri sa Mandaluyong.
Una- ang mga hipokrito't hipokrito na ilang beses tinira ni Kristo sa kanyang mga sermon noon sa Israel. Maraming "saradong Katoliko" ang nagpapaka-'sagrado' kuno dahil sa kanilang mga samu't saring mga practice sa pagdarasal at paglilingkod sa simbahan. Maituturing kayang 'act of charity' ang pag-donate ng mga silya sa simbahan na may mga naka-ukit na pangalan ni re-electionist konsehal, vice mayor, mayor, barangay captain, atbp. Kabilang sa mga hipokrito ay yaong mga mayayaman na kadalasa'y naka-habito pa ng debosyonaryo sa Birhen ng Lourdes. Aba, ang mga ito'y mahilig maglabas ng mga santo rosaryong may amoy ng rosas. Ito rin ang mga mahilig kumausap sa mga pari at akala mo kung sino maka-astang banal sa loob ng simbahan. Itong mga hayop na 'to rin ang mga nagsisilbi sa santa Iglesya at akala mo kung sinong kabanalbanalang mga santo.


Tandaan natin na hindi ang panlabas na anyo o pisikal na mga ritwal ang nagpapakita ng tunay na pagbabanaag sa ating Poon.


Ikalawa- ang mga lingkod simbahan-mga kaparian, mga obispo, atbp. Nakakatawa lang isipin na itong mga relihiyosong ito na ngako sa harap ng bantayog ng Diyos noong sila'y damitan ng kanilang pagiging mga Alter Christus ng buhay na naka-ikot sa sumpang "obedience, chastity, and POVERTY" ang sila ring bumabali nito. Lalo na sa poverty. Poverty pa ba ang ipinapakita ng mga pari na nagpapatakbo ng mga unibersidad na ang presyo ng edukasyon ay higit kumulang Isang-daang libong piso (P100,000)? Poverty pa ba ang buhay ng paring Dominiko o Pransiskano na ang kotse ay mga brand new model? Eh ang mga obispo pa kayang, animo'y isinangla ang prinsipyong naka-ugat sa VERITAS (katotohanan) kapalit ng mga malisyosong mga donasyon ng corrupt na pamahalaan?


Ewan ko lang po, Santo Domingo at San Francisco!


Ikatlo- ang hindi pagganap ng mga Kristyano sa misyon nila bilang mga 'Kristyano'. Sa ating binyag ay binasbasan tayo bilang mga "Hari-Propeta-at Pari" sa ngalan ng Banal na Sangtatlo (Holy Trinity). Ang misyon natin bilang pari ay hindi natin masyadong nagagampanan. Hindi ibig sabihin ng pagpaparing ito ay ang pagsuot ng mga habito't sutana. Ang pagkaparing ito ay ang ating pag-aalay sa panginoon ng buhay natin. Ano pa ba ang naiaalay natin sa Diyos, pwera sa buhay nating umiikot sa mga dinidiyos nating salapi, karangyaan, at libog. Ang ating pagiging propeta rin! Maraming nawawalan ng landas dahil hindi natin ipinapahayag ang Mabuting Balita (Evangelio) ng Diyos sa pamamagitan ng paggabay. Puro tayo 'salita ng Diyos...Amen', pero 'di natin iniintindi. Isang halimbawa ay ang absence ng Panginoon sa mga binatyilyong nagpatayan sa SM dahil sa bawal na pag-ibig. Bakit kaya nawala ang konsepto ng Diyos sa gitna ng trahedyang 'yon!


Bihira sa atin ang nakaka-intindi at tumutulong sa pagpahayag na may Diyos tayong mapagmahal.


Ikaapat- ang ating pagiging 'party-animal'. Mahilig tayo sa mga bonggang selebrasyon. Hindi ba't sa kahit anong pista, ay mas pinupuntahan natin ang misa ng obispo kaysa sa hamak na pari. Ewan ko ba kung bakit ganito ang konsepto natin sa hierkiya ng misa, eh sa pangalan ng Eucharistic Theology na nagsasabing ang bawat misa-kahit sino ang ministro-saang kapilya o katedral o parokya ay pare-pareho lang. Si Hesu Kristo pa rin ang ipinapahayag ng bawat misa. Isang kaso rin ng pagiging 'party-animal- natin ay ang kumakailan na pagtatalaga kay +Most Rev. Luis Antonio "Chito" Tagle, D.D., S.T.D. bilang bagong Arsobispo ng Arkodiyosises ng Maynila bilang kapalit kay +Most Rev. Gaudencio B. Cardinal Rosales, D.D.. Ewan ko lang ba kung bakit ang daming ek-ek sa mga taong lingkod simbahan, eh hindi naman sila 'yung i-install. Samantalang 'yung ii-install palang ay tahimik lamang. (Abangan ang special tribute ng blog ko para sa kay Cardinal Rosales at Bishop Chito.)


Ikalima- ang ating pagiging panatiko. Laos na marahil ang isyu tungkol kay Kuyang Mideo Cruz at sa kanyang exhibit sa CCP na nagpapakita ng imahe ni Kristo na may mga kadikit na titi. Pero, sa totoo lang ay sobra na ang ating pagiging panatiko sa mga imaheng ito. At kung bakit ang daming mananampalataya ang hipo ng hipo sa mga imaheng ito sa simbahan sa bawat dalaw nila sa simbahan. Kaya napagkakamalan tayong mga pagano ng ibang sektang Kristyano dahil sa ating mga practice patungo sa mga imaheng banal. Dahil 'di umano'y sinasamba natin ang mga ito. Sa pananampalatayang Katoliko ay hindi talaga dapat sinasamba ang mga imaheng ito, bagkus ay bigyan natin ng angkop na paggalang at respeto.


Tandaan- hindi imahe ng mga banal ang dapat nating ukitin sa ating pagkatao, bagkus ay ukitin natin sa ating sarili ang kanilang angking kabanalan na nawawala na sa ating buhay-espiritwal.


Ang tunay pong paglilingkod, pagbabanaag, at pagmamahal sa Diyos ay hindi ayon sa ating pisikal na pagpupuri-hindi sa opisina ng paglingkod-hindi sa dami ng misa-at hindi sa mga panata sa mga likhang ukit sa kahoy, bagkus ay ayon sa ating pananampalataya na buhat sa ating puso.






"Always humble yourselves lovingly before God and man, because God speaks to those who are truly humble of heart and enriches them with His gifts."
-Saint Padre Pio da Pietrelcina, Franciscan-Capuchin saint and mystic.

Monday, August 22, 2011

In the Infix of Religion and Passion (Part I)

I am a devout Catholic, and I will always stand by its doctrines and teachings that had been circulating among us for about 2000 years. I am also an aspiring artist and am truly passionate towards the arts.


The Mideo Cruz art exhibit Kulo earned different kinds of commentaries from fellow artists, ecclesiastical leaders, legislators, politicians, and from the common Filipino mass. Thanks be to God, for at least, our kamalayan has once again talked about the Arts- the most influential form of self-expression throughout different generations: from the renaissance and psychedelic periods that revolved through time. Sadly, our conservative pseudo-Hispanic mentality keeps on babbling against the work that explicitly shows the ever venerable cross-the dominant symbol of Christianity- with a red erecting penis. In a sneak peek of it, here’s my instant reaction: “For all the saints’ sake, it was a very stupid and filthy creation.”


But somehow, in giving an artistic meaning towards Mideo’s craziness, it was truly justifying to take a second look at it, and give it a deeper meaning- a definition that takes a lot of artistic contemplation and a somewhat, a sense of open-mindedness.


In due respect, with the word ART, I consider the disgusting exhibit as art, in deed.


It is an art, as it explicitly shows the foolish creativity that flourishes from someone’s mind. It truly takes a genius to show the world that kind of imagination, by moving reflexes and thus creating that kind of image by carving or painting- that is expected to catch the attention of our Saradong Katolikong mindset, and thus giving heinous meanings that may degrade the individual, whose sole purpose (if it is) is to express his thoughts towards our unseen polytheism brought to us by our materialistic cravings.


I am caught and trapped in the middle of my devotion to Holy Mother Church and in my interest towards the arts. I have no choice but to be neutral by it, and remain defending the other and defending the other, as well.

I can never accept, seeing the image of my dear Jesus Christ with used condoms, nor (honestly) can I write the word ‘condom’ near to the name of Christ. But as I have seen in one occurrence an image of Christ the King displayed with all the aromatic smell of the hanged sampaguitas, with in which an FHM poster is stapled, about an inch and a half away from it. There are also cases where the Catholic clergymen are mainly involved in cases of sexual abuses, both for young girls and boys. We could also see these politician-hypocrites who are adorned with their luxurious cars displayed in parking areas in churches, that by the way, vows poverty towards their spirituality and institution. Poverty pala eh.


Friends, we have different kinds of being allured into Politeisimo, that unconsciously travels like air, but just that we cannot realize its existence. We consider sex, wealth, vices, and pride as our gods whom we serve!


We always serve our sexual pleasures by passing our eyes with the ever alluring bold posts in EDSA that eventually ends up in masturbation (or worse, buying prostitutes for sale sa Circle). The politician’s dying will towards owning the supposed wealth for the public, thus making him avail expensive condos in New York; that would make her buy and kill the truth that has defied history.


Obviously, we Catholics who are offended by what that foolish artist did are offended because of what he did to the venerable image. But as I see it, it turns out not be an anti-Christian one, as it sends a message not to Christ, but to us Filipinos who made the Christian religion a defending shield towards our own animistic and polytheistic culture. As far as I heard Mideo Cruz explaining that cross, (if my memory serves us right) which according to him is the relic of our race, for we can see through the mirror in the heart of that cross, is our self- the individual who is a part of the race that distorted the meaning of Christianity, even though we were exiled within the church’s wall for about 300 years.


The other major problem towards that art, is our close mindedness that does not help us in appreciating what art is.

(to be continued)