Isa marahil sa pinaka-magandang ugali ng Pilipino patungo sa popular na kultura ay ang pagiging masidhing mananampalataya. Lalo na sa 80% ng Pinoy na 'di umano'y mga "saradong katoliko." Pero itong masyado nating pagiging relihiyoso, ay sa totoo lang, malayo talaga sa tunay at awtentikong tawag sa atin bilang mga Kristyano.
Ika nga ng isa kong kilalang theologian, ang simbahan raw ang sentro ng mga baliw sa buong daigdig. Ang article na ito ay nais ipamukha ang ilang mga, sadyang dehins na dehins ang pag-angkop sa buhay-Kristyano.
Kuha mula sa lumang parokya ng San Felipe Neri sa Mandaluyong. |
Tandaan natin na hindi ang panlabas na anyo o pisikal na mga ritwal ang nagpapakita ng tunay na pagbabanaag sa ating Poon.
Ikalawa- ang mga lingkod simbahan-mga kaparian, mga obispo, atbp. Nakakatawa lang isipin na itong mga relihiyosong ito na ngako sa harap ng bantayog ng Diyos noong sila'y damitan ng kanilang pagiging mga Alter Christus ng buhay na naka-ikot sa sumpang "obedience, chastity, and POVERTY" ang sila ring bumabali nito. Lalo na sa poverty. Poverty pa ba ang ipinapakita ng mga pari na nagpapatakbo ng mga unibersidad na ang presyo ng edukasyon ay higit kumulang Isang-daang libong piso (P100,000)? Poverty pa ba ang buhay ng paring Dominiko o Pransiskano na ang kotse ay mga brand new model? Eh ang mga obispo pa kayang, animo'y isinangla ang prinsipyong naka-ugat sa VERITAS (katotohanan) kapalit ng mga malisyosong mga donasyon ng corrupt na pamahalaan?
Ewan ko lang po, Santo Domingo at San Francisco!
Ikatlo- ang hindi pagganap ng mga Kristyano sa misyon nila bilang mga 'Kristyano'. Sa ating binyag ay binasbasan tayo bilang mga "Hari-Propeta-at Pari" sa ngalan ng Banal na Sangtatlo (Holy Trinity). Ang misyon natin bilang pari ay hindi natin masyadong nagagampanan. Hindi ibig sabihin ng pagpaparing ito ay ang pagsuot ng mga habito't sutana. Ang pagkaparing ito ay ang ating pag-aalay sa panginoon ng buhay natin. Ano pa ba ang naiaalay natin sa Diyos, pwera sa buhay nating umiikot sa mga dinidiyos nating salapi, karangyaan, at libog. Ang ating pagiging propeta rin! Maraming nawawalan ng landas dahil hindi natin ipinapahayag ang Mabuting Balita (Evangelio) ng Diyos sa pamamagitan ng paggabay. Puro tayo 'salita ng Diyos...Amen', pero 'di natin iniintindi. Isang halimbawa ay ang absence ng Panginoon sa mga binatyilyong nagpatayan sa SM dahil sa bawal na pag-ibig. Bakit kaya nawala ang konsepto ng Diyos sa gitna ng trahedyang 'yon!
Bihira sa atin ang nakaka-intindi at tumutulong sa pagpahayag na may Diyos tayong mapagmahal.
Ikaapat- ang ating pagiging 'party-animal'. Mahilig tayo sa mga bonggang selebrasyon. Hindi ba't sa kahit anong pista, ay mas pinupuntahan natin ang misa ng obispo kaysa sa hamak na pari. Ewan ko ba kung bakit ganito ang konsepto natin sa hierkiya ng misa, eh sa pangalan ng Eucharistic Theology na nagsasabing ang bawat misa-kahit sino ang ministro-saang kapilya o katedral o parokya ay pare-pareho lang. Si Hesu Kristo pa rin ang ipinapahayag ng bawat misa. Isang kaso rin ng pagiging 'party-animal- natin ay ang kumakailan na pagtatalaga kay +Most Rev. Luis Antonio "Chito" Tagle, D.D., S.T.D. bilang bagong Arsobispo ng Arkodiyosises ng Maynila bilang kapalit kay +Most Rev. Gaudencio B. Cardinal Rosales, D.D.. Ewan ko lang ba kung bakit ang daming ek-ek sa mga taong lingkod simbahan, eh hindi naman sila 'yung i-install. Samantalang 'yung ii-install palang ay tahimik lamang. (Abangan ang special tribute ng blog ko para sa kay Cardinal Rosales at Bishop Chito.)
Ikalima- ang ating pagiging panatiko. Laos na marahil ang isyu tungkol kay Kuyang Mideo Cruz at sa kanyang exhibit sa CCP na nagpapakita ng imahe ni Kristo na may mga kadikit na titi. Pero, sa totoo lang ay sobra na ang ating pagiging panatiko sa mga imaheng ito. At kung bakit ang daming mananampalataya ang hipo ng hipo sa mga imaheng ito sa simbahan sa bawat dalaw nila sa simbahan. Kaya napagkakamalan tayong mga pagano ng ibang sektang Kristyano dahil sa ating mga practice patungo sa mga imaheng banal. Dahil 'di umano'y sinasamba natin ang mga ito. Sa pananampalatayang Katoliko ay hindi talaga dapat sinasamba ang mga imaheng ito, bagkus ay bigyan natin ng angkop na paggalang at respeto.
Tandaan- hindi imahe ng mga banal ang dapat nating ukitin sa ating pagkatao, bagkus ay ukitin natin sa ating sarili ang kanilang angking kabanalan na nawawala na sa ating buhay-espiritwal.
Ang tunay pong paglilingkod, pagbabanaag, at pagmamahal sa Diyos ay hindi ayon sa ating pisikal na pagpupuri-hindi sa opisina ng paglingkod-hindi sa dami ng misa-at hindi sa mga panata sa mga likhang ukit sa kahoy, bagkus ay ayon sa ating pananampalataya na buhat sa ating puso.
"Always humble yourselves lovingly before God and man, because God speaks to those who are truly humble of heart and enriches them with His gifts."
-Saint Padre Pio da Pietrelcina, Franciscan-Capuchin saint and mystic.
No comments:
Post a Comment