Ang balita na marahil ay hinusgahan ng maraming konserbatibong at nagmamagaling na Pinoy ay ang pagpatay at pagkakamatay ng dalawang binata. Sila Jonathan Salvador (16 years old) at Jake Emerson Perez (13 years old). Napaka-bata pa nilang dalawa na pasukin ang masidhing mundo ng pag-ibig-lalo't higit ang pag-ibig para sa kapwa Adan.
Noong una kong marinig ang nasabing balita ay napamura ako, dahil sadyang napaka-bata pa nila. Subalit noong mas pinalalim ko ang aking makitid na utak ay napag-tanto ko na "oo nga pala, mahirap husgahan ang pag-ibig." Batid ko na tunay ang pagmamahalan nila- as in 'yung pag-ibig na hindi katulad ng ibang bading na sadyang sex lang ang habol.
Pinatay ni Jake si Jonathan dahil sa selos. Makikita ang iba't-ibang uri ng pag-eemote sa T-shirt ni Jake na nagsilbing suicidal note niya. Binigay niya raw ang lahat.
Hindi natin mahuhusgahan ang ginawa nilang pagmamahalan. Sabihin nating "bawal" o "immoral" ang kanilang pagmamahalan, hinding-hindi natin sila mahuhusgahan. Hindi ba't kung tayo'y may minamahal na babae o lalaki o bakla o tomboy, ay gagawin natin-ibibigay natin-ilalaan natin ang lahat ng ating pagmamahal para sa ating iniibig.
Sabi nga ni Baltazar sa Florante at Laura, "o ang pag-ibig, hahamakin ang lahat, masunod lamang."
No comments:
Post a Comment