Friday, October 28, 2011

Nakakatakot!!!!

Nobyembre na naman. Uso na naman ang mga kung anu-anong nakakatakot na bagay. Sure ako, bebenta na naman ang series ng True Philippine Ghost Stories na kinahihiligang basahin ng maraming deboto nito. Mag-lalabas na naman ang ABS-CBN at GMA-7 at TV5 ng iba't-ibang horror documentaries. Papalo na naman ang bentahan ng mga maskara ni Satanas sa Toy Kingdom at 168. Magdadaldalan na naman tayo tungkol sa mga multo, aswang, santermo, kapre, patay na bangkay, kamatayan, atbp.


Halloween na naman. Uso na naman ang pagti-trick or treat ng mga bata.


Pero sa realidad, talagang inimbento ba ang selebrasyong ito para kumita na naman ang iba't ibang mall dahil sa dagsa ng mga mamimili ng kanilang mga nakakatakot na produkto, na sigurado ay tumataas ang sales pag-dating ng last week of October.


Minsan ang OA na talaga natin. Lalo na tayong mga Pinoy. Hindi ba't parang child abuse o parang pornography na ang ginagawa natin sa mga batang pinag-cocostume natin ng kung anu-ano? Hindi ba't masyadong pagmamalabis na ang ginagawa ng mga firms na nagpo-produce ng nakakatakot na mga gamit, decor, o costume na paminsan-minsa'y may lead content rin.


Hay, sayang lang 'tong blog na 'to eh. Ang pananakot sa ating mga kayumangging balat at puting bayag ay hinding-hindi na talaga mabubura sa ating popular na kultura.

No comments:

Post a Comment