Nakakasuya
na talaga ang animo’y paulit-ulit at nakaka-bobong mga usapin at
balita na hatid sa atin ng media tungkol sa pare-parehong kaso ng
pagpatay sa loob ng pinaka-sikat na mall at tambayan ng sambayanan.
Ang SM.
Sa
loob lamang ng taong ito ay naitala na ang tatlong kaso ng
pagpupuslit ng baril sa loob ng nasabing mall. Una na rito ang
nangyari sa Iloilo, na hindi masyadong natutukan ng husto ng buong
bansa. At actually wala talaga akong kamalay-malay sa pangyayari na
yaon sa pinaka-binabanaag na pasyalan sa aking rehiyon sa Western
Visayas.
Pangalawa
na ang unang tinutukan ng national media, sapagkat malapit ito sa
building ng dalawang malaking institusyon ng pamamahayag (ang ‘dos’
at ‘siyete’). Ang barilan sa SM North EDSA, Quezon City. Sang
ayon sa mga taliba, may isang asawang nagseselos sa kanyang mister
(na actually, di umano’y hiwalay na sa kanya ng loob ng dalawang
taon) at binaril niya ito. Nais niya rin sanang itigil ang
pag-eksiste sa mundong ire, subalit may naki-KJ na ‘jaguar’ o
security guard na siya ring nabaril at namatay.
Ang
panghuli at naging tampulan ng mapapait na kontrobersiya, ay ang
nangyari sa SM Pampanga. Na kung saan hindi tungkol sa mag-asawa o
boyfriend-girlfriend issues, ngunit ito’y tungkol sa dalawang
binatilyong nag-iibigan! (Ang issue na ito ay mas papalalimin ko pa
po to sa sunod kong blog).
Anong
naging aksyon ng mga nangangalaga ng seguridad ng mga mall?
Malamang,
nagpaka-OA na naman sa pag-inspeksyon ng mga bag at (pag-chancing) sa
mga pumapasok sa mall.
Naging
biktima ako ng ka-OAhan na ‘to eh.
Huwag
kayong mag-alala, lilipas rin ‘to. Alam mo naman tayong mga Noypi,
paweather-weather lang ang lahat.
So,
sa gustong sundan ang yapak ng mga namuslit ng baril sa mall, may tip
si Pintakasi sa inyo.
Sa
Marketplace Kalentong nalang kayo bumira mga pare! Kung saan wala
nang pakialam ang mga sekyu sa mga mamimili, ni hindi na nga
kumakapkap eh. At kung saan may SOGO motel rin-para may ‘mi ultimo
adios’ ‘di ba?
Muhahahaha
xD
No comments:
Post a Comment