Isang maituturing na karangalan ang maging estudyante-kadete ng Philippine Military Academy sa
Lahat siguro ng mga batang lalaki na nai-inspire sa mga pelikulang ang tema ay digmaan at militarisasyon ay nangangarap maging bahagi ng dinadakilang institusyon na ire. Pugad ng mga bayani ang PMA. Dito lang naman galing ang pangalang Panfilo Lacson, Antonio Trillanes, Rodolfo Biazon, atbp.
Katalinuhan, katikasan, at katapangan ang mga matitinding requirements sa academy.
Lately, ay ibinalita sa telebisyon ang mga ‘di-umano’y mga video ng torture at hazing na sinasapit ng mga PMAyer. Iyong video na binubogbog sila’t kinakarate pa ng iba.
Noong eleksiyon noong nakalipas na 2010, sa probinsiya naming ay tumakbong kongresista ang isang PMAyer sa probinsya naming. (Sawing kapalaran dahil natalo lang naman siya). Sa komiks istrip na kung saan nilalahad niya ang buhay niya, nakita ko ang bahagi na kung saan siya (bilang ‘plebo’ o bagitong kadete o first year) ay inuutusan ng nakakataas na opisyal na kapwa kadete na plantsahin ang uniporme nito habang ang kawawang plebo ay naghahanda para sa pagsusulit sa araw ng bukas na yaon.
May kilala rin ako na may kakilalang pumasok sa PMA. Iyon nga lang, hindi tumagal- hindi dahil sa training, kundi sa pakikitungo sa mga kapawa kadete sa matataas na baitang.
Pwera pala sa intensive physical at nationalistic training sa loob ng Fort del Pilar sa Baguio City, bilang kadete ay makakaranas ka rin pala ng mga kahayupan, psychologically speaking, dahil sa mga pasakit sa loob. Tibay ng sikmura lang siguro ‘yan parekoy.
(Kaya minsan naisip ko kung bakit marahil maraming taga-militar ang nagiging balasubas sa pamahalaan at nakikinabang sa mga pabaon at minsan ay naliLIGOTan, este nalilimutan na pala).
Ito ang kultura sa PMA: “BABAWI AKO PAGDATING NG PANAHON.”
Patuloy ko pong ginagalang ang Philippine Military Academy.
No comments:
Post a Comment