Ang cellular mobile phone o mas kilala bilang “cell phone” ay isa sa mga pinaka-mahalagang bagay sa normal na Juan de la Cruz. Super ‘O.P.’ ka kapag wala kang cp o ‘fHon3’( ika nga ng mga letcheng jejemon.)
Sa pag-unlad ng ating minamahal na mundo sa larangan ng teknolohiya ay patuloy rin pag-unlad o ang pag-upgrade ng mga cell phone. Hindi pwede magpahuli diyan ang mga Pinoy. Mayaman man o chimamaa.
Pero sa totool lang mga ‘tol, ano ba talaga ang silbi ng cell phone?
Ginawa ba ito para malugi ang mga internet café dahil nga sa nadiskubre nating o.facebook sa internet services ng ating menu?
Ginawa ba ito para hindi na tangkilikin ng masa ang radyo sa radyo mismo?
Ginawa ba ito para makapaglaro ang mga nabo-bore na estudyante ng Angry Birds?
Ginawa ba ito para maging camera para kumuha ka na lang ng kuha ng mga stolen photos na masarap i-display sa FB at dadami ang magla-like nito?
Ginawa ba ito para kumuha ka ng mga video na nakakatawa, nakakalungkot, at paminsan-minsan ay nakakapagpalibog?
Ginawa ba ito para may mataguan ka ng tini-treasure mong sex video ni Maria Ozawa?
Ginawa ba ito para maging mp3 player?
Ginawa ba ito para ipahayag mo ang lahat ng gusto mong ipahayag: kung nasaan ka, anong ginagawa mo, anong pinapanood mo, kung natatae ka, kung nalilibugan ka, at kung minsan ay kung bad trip ka sa kahit na sino?
Ang konsepto ni Alexander Graham Bell sa pag-imbento ng telephone ay para makapag-communicate ng mas madali sa kahit na sino o kahit nasaan man siyang lupalop ng planeta. Pero sa prinsipyo ng mga ka-kulay ni Juan, ang cell phone ay isang bagay na maaaring gamitin sa kahit na anong bagay.
(Pero sa totoo lang, hindi talaga nagagamit ang mga cell phone natin sa kaniyang tunay na purpose dito sa daigdig.)
No comments:
Post a Comment