Marami sa ating mga Pinoy ay masyadong malupit sa feministikong kultura.Ang layon ng blog na ito ay ang pagbibigay impormasyon sa mga kung sino man ang makakabasa nito tungkol sa antolohiya ng maka-Filipinong konsepto ukol sa feministic pop culture ng ating Inang Bayan.
-Ang mga babae sa pre-Spanish era.
Sila ‘yung mga babaeng matatapang pare! Para silang si Amaya at Urduja. Isang halimbawa nito ay ang Ilokanang Prinsesa na si Urduja. Sa aking natutuhan bilang hayskul sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga babaing lalang sa Malayong (ang mga ninuno natin, mula sa panahon ni Lapu-lapu) kultura ay masyadong makimi sa mga kolorete at mga palamuti sa kanilang katawan. Ito ang mga ideal girl sa panahon ni Pula-pula, a.k.a. Lapu-lapu.
-Ang mga Gabriela
Ito pare ang nakakatakot na uri ng babaing Homo sapiens. Pumapatay ‘tong mga ‘to eh. Pero sila lang naman ‘yong mga tipo ng babae na tapat naman sa pag-ibig, at tapat rin sa patalim. Isang mabuting larawan nito ay si Gabriela Silang. (I wonder lang kung may mga Andres de Saya na sa henerasyon na ‘yon.)
-Ang mga Maria Clara
Ang mga kababaihan sa panahon ng ikatlong siglo ng banyagang pamumuno sa Filipinas ay nagsisilbing huwaran sa mga sumunod na henerasyon. Sila ay nagtataglay ng masidhing kahinhinan at kagalangan. Masyadong strict ang parents ng mga ire eh, eh simpleng pagcha-chansing sa kamay bawal eh. Maituturing immoral ng lipunan ang pambabastos sa kanila. Pero sa gitna ng masidhing pamamatnubay ng likhang ‘Urbana at Felisa” ni Modesto de Castro ay matindi pa rin ang pagka-makipot ng mga kababaihang ito. Kaso, dahil sa masyado nilang pagiging deboto sa pananampalatayang Kristiyano, ay animong masusunog ka sa impyerno if you ever dare to steal their purity and virginity. Isang mahalagang simbolo ng mga kababaihang ito ay ang karakter ni Maria Clara sa “Noli Me Tangere” ng dakilang Jose Rizal.
-Ang ‘Awtentikong’ Dalagang Filipina
Dito pumapasok ang mga nabubuhay nating mga kalolahan sa kasalukuyan. Dala nila ang ibang ala-Maria Clara na katangian, pero ‘yun nga lang, may American twist eh. Masyado silang liberal, subalit konserbatibo. May bahid pa rin sila ng pagka-Kastila. Umeksena ito noong dekada 10’s hanggang 60’s. Perpektong halimbawa: Gng. Imelda Marcos y Romualdez. O di ba.. Imeldific?
-Ang Rinepormang Babae
Sila ang mga babae na namulat sa psychedelic pop age. Naging mas liberal ang mga babaing ito, sa pananamit at pakiki-tungo sa lipunan. Mas nabigyan sila ng mas malayang karapatan bilang mga indibidwal. Bumunga itong genre na ito noong dekada 70’s.
-Ang mga Babong
Ito ang dinidiskriba nila Tito, Vic, and Joey na mga kababaihan sa kapanahunan ng mga (kasalukuyang mga Viagra dependent ata) kabataan noong late 70’s at 80’s. Babong ang tawag sa mga kababaihang ito.
-Ang mga Chicks ng 1990’s
Well, dito na nagta-transform ang kasaysayan ng mga kababaihan sa Philippine Area of Responsibility. Noong dekada-90’s ay na uso ang pagsu-suot ng maiksing shorts para sa kababaihan. Ang mga katawan ng mga ‘chicks’ ang nagpa-uso sa pornograpiya at kamanyakan sa society.
-Ang mga Bebot
Sila ‘yung mga talagang modernong Filipina-Liberal. Sila ;yung mga chicks na lagi nating nakikitang mahilig mag-party ng naka-pekpek shorts. Ang mga babaing ito ang nagpapa-init sa inyong lingcod na si Pintakasi. Hot, wild, and sexy.
(Mga Post-Modernong Pagtala)
-Mga Bakla
Ang mga ehem, na chicks na ito ay ang lipon ng mga sawing palad na lalaki naging gay. Nabubuhay ang sex-life nila sa pag-agos ng kanilang matatambok na bulsa, na puno ng pera.
-Mga Iskwater
Ang mga ‘puta’. Hindi natin maiiwasang husgahan sila kung bakit nila binibenta ang kanilang puri. Sila lang naman ‘yong mga (maituturing rin na chicks) mahihilig gumaya sa mga celebrity when it comes to pormahan. Kahit maitim ang kuko sa paa, aba eh… Go lang ng Go. (Marami sa kanila ay ang jejemon ruins.)
Napa-isip ako, “Paano kaya kung walang babae sa mundo? Paano ako gaganahan na mabuhay sa kwadradong daigdig na ito?”
(This work is the ideal outline for my dream book)
kuya parang nakaligtaan niyo po akong idescribe. i cant find myself in any of those categories hahaha
ReplyDelete