Tuesday, November 1, 2011

Ang Kapangyarihan ng TVJ

Tatlong dekada na ang samahan ng isa sa mga pinaka-kwelang trio sa balat ng telebisyon.


Ang trio nina Senator Vicente C. Sotto III, Victor C. Sotto, at José María Ramos de León o mas kilala bilang Tito, Vic, and Joey.


Kailan lang ay ginunita ng tatlo ang 'unang tatlong dekada' ng kanilang longest-running noon time show na Eat Bulaga! at sa episode na 'yun at sa launching ng kanilang coffee table book na "Unang Tatlong Dekada' ay nakitang lumuha ang dakilang mga haligi ng Philippine showbusiness.


Magugunita natin na nabigyan sila ng pagkakataong sumikat noong dekada 70's sa ISkul Bukol at Eat Bulaga! na noo'y katapat ng mas pormal na show ni Eddie Elarde na 'Student Canteen'. Syempre Pinoy tayo at dahil sakop ito ng ating popular na kultura, mas bumenta ang EB dahil mas bibenta talaga ang mga makukuwla. Naging katapat rin sila nina 'Pidro', este,  APO Hiking Society.


Subalit sa pagdaan rin ng panahon ay marami-rami na rin ang hinarap na kontrobersiya at tuwa. KAtulad na lamang ni Enteng (Vic) na kung ilang babae na ang napa-ibig at napa-lobo. Si Joey na marami na ring nakaaway dahil sa kanyang masyadong pagka-pilyo. At ang accused rape nila sa dating bold star na si Pepsi Paloma, na later on ay binira ng Eraserheads sa kanta nilang 'Spoliarium' sa pamamagitan ng linyang, "sinong sinula ni Enteng at Joey dyan.." at kalauna'y 'di umano'y ginantihan ni Tito Sen sa pamamagitan ng pag-ban sa kanta ng banda na 'Alapaap'. Pero mahal talaga sila ng masa. In fairness, re-elected si Tito.


Napaka-lawak rin ng impluwensiya ng tatlong ito sa larangan ng Manila sounds.


Kaya sa kanilang unang tatlong dekada, tanggapin nawa nila ang aking simpleng pag-bibibgay pugay sa haligi ng industriya ng popular na sining, sina TITO, VIC, and JOEY!

Patay na si Khadaffy


Mahigit 8 buwan ang pakiki-baka. Mahigit 8 buwan na walang kapayapaan. Mahigit 8 buwan ng putukan.

Yang ang naranasan ng mga tao sa Libya sa loob ng naka-lipas na walong buwan. Ang huling walong buwan ng mahigit apat na dekadang diktador ng Libya na si Moammar Ghadaffy o Moammar Ghadaffi o Moammar Khadaffy o Muammar Ghadaffy o Col. Muammar Al'Quadaffi (siguarado ako madi-drain ako masyado sa probability ng spelling ng pangalan ng hayop na 'to.) (Maraming spelling ang pangalan niya kaya wag mag-taka kung bakit iba-iba ang spelling na gagamitin ko.) Pero, flashback, tantaranananan, 4 decades ago, noong nagkaroon ng kaguluhan sa Libya, isang dakila at batang sundalo ang nanguna sa pag-aklas. Walang iba kundi si Col. Muammar Al'Quadaffi. Fast forward, nananararatanat, 2011, nag-aaklas ang radikal na partido sa Libya laban sa diktador na kanilang kinamumuhian dahil sa kanyang labor discrimination sa kapwang mga taga-Libya na kung saan mas mataas ang sahod ng mga dayuhan kaysa sa kanilang mga Libyan nation. Ang naknambetch na ito ay si Moammar Khadaffi.

Nakakalungkot na nakakatawang isipin na ang pinaka-makapangyarihan at kinakatakutang naghahari-hariang gago na namuno sa Libya ng mahigit apat na dekada ay magsasambit ng mga salitang humihingi ng awa- ng mga salitang mistulang nakakahiyang ibanggit sa bingit ng kamatayan ng isang pinunong kinakatakutan. Subalit hindi siya pinagbigyan ng kanyang mga kababayang gigil na gigil na siya'y patayin. Sabay binaboy pa ng mga sugo ni Allah ang mortal na bangkay ng nag-aakalang imortal na diktador.

Patay na si Ghadaffi. Magkakaroon na kaya ng wagas na kapayapaan sa Libya? Bababa na kaya ang presyo ng krudo sa world market?

Nakakatakot! (Part 2)


Dia de la Muerte- Day of the Dead- Araw ng mga patay.

Ito na naman tayo. Bakit ba pag-undas ang hilig natin sa mga kakatakutan? O sadyang trip lang ba talaga nating pagtripan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pananakot? Pero, talaga kasing napaka-interesting pag-usapan ang mga kababalaghan na nakiki-sikisik sa ating sumisikip nang daigdig-mga kababalaghang galing 'di umano sa mga iba't-ibang elemento sa ating planeta. Total ito rin naman ang pag-uusapan natin, nais ko lang itanong kung gaano ba talaga ka totoo ang mga misteryosong nagaganap sa ating daigdig?

Ayon sa ilang psychologists, ang tendency raw ng pananakot natin sa ating sarili ay halos pantay sa tendency ng ating reaction kapag nakikiliti ang ating mga sexual apetite. Hindi man ako psychologist pero nais kong i-hypothesize na sadyang napaka-extreme nating mga miyembro ng animalandia sa mga misteryo at sa libog. Hind natin kayang tanggihan ang temptasyong dulot ng libog, at ganun rin ang hindi natin pag-tanggi sa pakikinig sa mga kwento tungkol sa white lady sa Balete Drive. Parang kung paano tayo nasasabik sa pelikulang katulad ng 'Coming Soon' ay ganoon rin ang ating pananabik sa mga porn movies na pinagbibidahan nila Maria Ozawa o Faye Reagan.

Nakakatawa lang minsang isipin kung gaano tayo ka-hook sa mga pelikulang horror na 'di umano'y 'based on a true story'. Isang halimbawa ay ang cinematic documentary na 'Paranormal Activity' na ayon sa ibang psychic na iskolar ay hindi naman raw talaga totoo. Pero hindi naman natin pinapansin ang mga makatotohanang kwentong horror, katulad ng 'The Exorcist' at 'The Rite' na actual na mga pangyayari mula sa mga kapariang pinagpala ng panginoon ng kapangyarihang exorcismo. Sa Pilipinas, ay kilalang exorcist si Fr. Jocis Syquia- ang kasalukuyang official archdiocesan exorcist ng arkidiyoses ng Manila. Maraming banal na santo na rin ang kinilala dahil sa kapangyarihang pinagpala sa kanila ng May Kapal na makapag-palayas ng mga masasamang espiritu. Ilan rito ay sina Padre Pio de Pietrelcina at si Beato Pope John Paul II (na ayon sa tala ay mahigit apat na beses nang nakipag-engkwentro sa Diablo).

Sa kasaysayan ng ating bansa ay makikitang hindi impluwensiya ng mga Kastila ang ating mapag-celebrate ng Halloween. Galing ito sa mga sina-unang paganong Mexicano na kapag November 1 ay nagtatanghal ng Dia de la Muerte- isang tradisyon na kung saa'y pinapaniwalaan nilang nagpipyesta ang mga yumao. Ang atin ring pag-aalala sa mga yumao: ang ating pagdalaw sa mga puntod o sementeryo ay hindi rin galing mula sa mga Kastila, bagkus ay galing ito sa mga Intsik na ginagawa ang pag-samba sa mga yumao o 'Ancestral worship'. Hindi ba't inaalayan nila ng pera o pagkain ang mga mahal nilang nauna sa kanila. At lalo't higit ang pag-hahanda natin ng halloween parties kung saan ay patok ang mga costume na nakakatakot at ang 'trick or treat' na isang kulturang kanluranin. Siguro ang ambag lang ng mga Kastila sa ating popular na kultura sa araw ng mga patay ay mga pag-dasal ng Santo Rosario at pagpapa-misa sa kaluluwa ng ating mga mahal sa buhay.

Ang November 1, para sa Iglesia Catolica ay isang dakilang kapistahan o 'solemnity'. Pero nakakatuwang isipin na ang Dakilang Kapistahan ng mga Banal o Solemnity of  All Saints ay isang araw ng mistulang pagbibigay pugay kay Satanas- sa Diablo. Hindi ba't ang mga mukha ng mga santo ay napaka-banayad, mahinahon, maliwanag, at dakila pero bakit ang mga mukhang kumakalat sa mga bangketa at sa mga mall ay mga mukha ng kalabera, ng mga aswang, ng Diablo, ni Kamatayan, mga mangkukulam, mga gagamba, mga ligaw na kaluluwa, at iba pa. Ganoon ba ang mukha ng mga itinuturing na banal ng simbahang Katolika?

Ito ang isang bagay na pinatatamaan ni Kuyang Mideo Cruz sa kanyang 'Kulo' (na naman).

Hay, mga minamahal na kaibigan, ito ang isang simpleng paglalahad ng ating sabog-sabog na polymerizated occidental and oriental pop culture. Pero ito lang ang huling nota: ika nga ni Lourd de Veyra sa kanyang nakaka-TANGINA THIS! na 'Word of the Lourd', "WALANG BASAGAN NG TRIP."