Friday, October 28, 2011

Pilipinas: Pugad ng mga Puta?

(HINDI PO BASTOS ANG SALITANG, 'PUTA' SAPAGKAT ITO'Y ISANG MAKATOTOHANANG DISKRIPSYON SA MUNDO NG REALIDAD SA MGA KABABAIHANG MABABA ANG LIPAD.)



Okay, O.A. na masyado ang nakakarami.

Sabi nila ang Pilipinas raw ay dinadayo ng mga foreigner for sexual purposes.

TANGINA THIS!

Ganun na ba talaga ka-babaw ang tingin nila sa mga Pilipina. Pero sa totoo lang, sa paniniwala ko ay may malalim na ibig sabihin ang sakripisyo ng mga dilag na ito.

Kahirapan?

Walang makain?

Yumaman?

Sa bagay, sa totoo lang, kikita ka talaga sa larangan ng prostitusyon, palibhasa, walang magawa ang putang inang pamahalaan natin sa pagbigay ng matinong trabaho sa nakakarami. Maraming dilag (na karamihay'y tubong probinsya pa) ang nagpapaka-iskolar samantalang sila'y ginagawang mga puta.

So, pugad na ba talaga ang Pilipinas ng mga puta?

Nakakatakot!!!!

Nobyembre na naman. Uso na naman ang mga kung anu-anong nakakatakot na bagay. Sure ako, bebenta na naman ang series ng True Philippine Ghost Stories na kinahihiligang basahin ng maraming deboto nito. Mag-lalabas na naman ang ABS-CBN at GMA-7 at TV5 ng iba't-ibang horror documentaries. Papalo na naman ang bentahan ng mga maskara ni Satanas sa Toy Kingdom at 168. Magdadaldalan na naman tayo tungkol sa mga multo, aswang, santermo, kapre, patay na bangkay, kamatayan, atbp.


Halloween na naman. Uso na naman ang pagti-trick or treat ng mga bata.


Pero sa realidad, talagang inimbento ba ang selebrasyong ito para kumita na naman ang iba't ibang mall dahil sa dagsa ng mga mamimili ng kanilang mga nakakatakot na produkto, na sigurado ay tumataas ang sales pag-dating ng last week of October.


Minsan ang OA na talaga natin. Lalo na tayong mga Pinoy. Hindi ba't parang child abuse o parang pornography na ang ginagawa natin sa mga batang pinag-cocostume natin ng kung anu-ano? Hindi ba't masyadong pagmamalabis na ang ginagawa ng mga firms na nagpo-produce ng nakakatakot na mga gamit, decor, o costume na paminsan-minsa'y may lead content rin.


Hay, sayang lang 'tong blog na 'to eh. Ang pananakot sa ating mga kayumangging balat at puting bayag ay hinding-hindi na talaga mabubura sa ating popular na kultura.

Tuesday, October 18, 2011

Saradong Katoliko ang mga Pilipino


Isa marahil sa pinaka-magandang ugali ng Pilipino patungo sa popular na kultura ay ang pagiging masidhing mananampalataya. Lalo na sa 80% ng Pinoy na 'di umano'y mga "saradong katoliko." Pero itong masyado nating pagiging relihiyoso, ay sa totoo lang, malayo talaga sa tunay at awtentikong tawag sa atin bilang mga Kristyano.


Ika nga ng isa kong kilalang theologian, ang simbahan raw ang sentro ng mga baliw sa buong daigdig. Ang article na ito ay nais ipamukha ang ilang mga, sadyang dehins na dehins ang pag-angkop sa buhay-Kristyano.


Kuha mula sa lumang parokya ng San Felipe Neri sa Mandaluyong.
Una- ang mga hipokrito't hipokrito na ilang beses tinira ni Kristo sa kanyang mga sermon noon sa Israel. Maraming "saradong Katoliko" ang nagpapaka-'sagrado' kuno dahil sa kanilang mga samu't saring mga practice sa pagdarasal at paglilingkod sa simbahan. Maituturing kayang 'act of charity' ang pag-donate ng mga silya sa simbahan na may mga naka-ukit na pangalan ni re-electionist konsehal, vice mayor, mayor, barangay captain, atbp. Kabilang sa mga hipokrito ay yaong mga mayayaman na kadalasa'y naka-habito pa ng debosyonaryo sa Birhen ng Lourdes. Aba, ang mga ito'y mahilig maglabas ng mga santo rosaryong may amoy ng rosas. Ito rin ang mga mahilig kumausap sa mga pari at akala mo kung sino maka-astang banal sa loob ng simbahan. Itong mga hayop na 'to rin ang mga nagsisilbi sa santa Iglesya at akala mo kung sinong kabanalbanalang mga santo.


Tandaan natin na hindi ang panlabas na anyo o pisikal na mga ritwal ang nagpapakita ng tunay na pagbabanaag sa ating Poon.


Ikalawa- ang mga lingkod simbahan-mga kaparian, mga obispo, atbp. Nakakatawa lang isipin na itong mga relihiyosong ito na ngako sa harap ng bantayog ng Diyos noong sila'y damitan ng kanilang pagiging mga Alter Christus ng buhay na naka-ikot sa sumpang "obedience, chastity, and POVERTY" ang sila ring bumabali nito. Lalo na sa poverty. Poverty pa ba ang ipinapakita ng mga pari na nagpapatakbo ng mga unibersidad na ang presyo ng edukasyon ay higit kumulang Isang-daang libong piso (P100,000)? Poverty pa ba ang buhay ng paring Dominiko o Pransiskano na ang kotse ay mga brand new model? Eh ang mga obispo pa kayang, animo'y isinangla ang prinsipyong naka-ugat sa VERITAS (katotohanan) kapalit ng mga malisyosong mga donasyon ng corrupt na pamahalaan?


Ewan ko lang po, Santo Domingo at San Francisco!


Ikatlo- ang hindi pagganap ng mga Kristyano sa misyon nila bilang mga 'Kristyano'. Sa ating binyag ay binasbasan tayo bilang mga "Hari-Propeta-at Pari" sa ngalan ng Banal na Sangtatlo (Holy Trinity). Ang misyon natin bilang pari ay hindi natin masyadong nagagampanan. Hindi ibig sabihin ng pagpaparing ito ay ang pagsuot ng mga habito't sutana. Ang pagkaparing ito ay ang ating pag-aalay sa panginoon ng buhay natin. Ano pa ba ang naiaalay natin sa Diyos, pwera sa buhay nating umiikot sa mga dinidiyos nating salapi, karangyaan, at libog. Ang ating pagiging propeta rin! Maraming nawawalan ng landas dahil hindi natin ipinapahayag ang Mabuting Balita (Evangelio) ng Diyos sa pamamagitan ng paggabay. Puro tayo 'salita ng Diyos...Amen', pero 'di natin iniintindi. Isang halimbawa ay ang absence ng Panginoon sa mga binatyilyong nagpatayan sa SM dahil sa bawal na pag-ibig. Bakit kaya nawala ang konsepto ng Diyos sa gitna ng trahedyang 'yon!


Bihira sa atin ang nakaka-intindi at tumutulong sa pagpahayag na may Diyos tayong mapagmahal.


Ikaapat- ang ating pagiging 'party-animal'. Mahilig tayo sa mga bonggang selebrasyon. Hindi ba't sa kahit anong pista, ay mas pinupuntahan natin ang misa ng obispo kaysa sa hamak na pari. Ewan ko ba kung bakit ganito ang konsepto natin sa hierkiya ng misa, eh sa pangalan ng Eucharistic Theology na nagsasabing ang bawat misa-kahit sino ang ministro-saang kapilya o katedral o parokya ay pare-pareho lang. Si Hesu Kristo pa rin ang ipinapahayag ng bawat misa. Isang kaso rin ng pagiging 'party-animal- natin ay ang kumakailan na pagtatalaga kay +Most Rev. Luis Antonio "Chito" Tagle, D.D., S.T.D. bilang bagong Arsobispo ng Arkodiyosises ng Maynila bilang kapalit kay +Most Rev. Gaudencio B. Cardinal Rosales, D.D.. Ewan ko lang ba kung bakit ang daming ek-ek sa mga taong lingkod simbahan, eh hindi naman sila 'yung i-install. Samantalang 'yung ii-install palang ay tahimik lamang. (Abangan ang special tribute ng blog ko para sa kay Cardinal Rosales at Bishop Chito.)


Ikalima- ang ating pagiging panatiko. Laos na marahil ang isyu tungkol kay Kuyang Mideo Cruz at sa kanyang exhibit sa CCP na nagpapakita ng imahe ni Kristo na may mga kadikit na titi. Pero, sa totoo lang ay sobra na ang ating pagiging panatiko sa mga imaheng ito. At kung bakit ang daming mananampalataya ang hipo ng hipo sa mga imaheng ito sa simbahan sa bawat dalaw nila sa simbahan. Kaya napagkakamalan tayong mga pagano ng ibang sektang Kristyano dahil sa ating mga practice patungo sa mga imaheng banal. Dahil 'di umano'y sinasamba natin ang mga ito. Sa pananampalatayang Katoliko ay hindi talaga dapat sinasamba ang mga imaheng ito, bagkus ay bigyan natin ng angkop na paggalang at respeto.


Tandaan- hindi imahe ng mga banal ang dapat nating ukitin sa ating pagkatao, bagkus ay ukitin natin sa ating sarili ang kanilang angking kabanalan na nawawala na sa ating buhay-espiritwal.


Ang tunay pong paglilingkod, pagbabanaag, at pagmamahal sa Diyos ay hindi ayon sa ating pisikal na pagpupuri-hindi sa opisina ng paglingkod-hindi sa dami ng misa-at hindi sa mga panata sa mga likhang ukit sa kahoy, bagkus ay ayon sa ating pananampalataya na buhat sa ating puso.






"Always humble yourselves lovingly before God and man, because God speaks to those who are truly humble of heart and enriches them with His gifts."
-Saint Padre Pio da Pietrelcina, Franciscan-Capuchin saint and mystic.

Sunday, October 16, 2011

American Junk


Our country is said to be independent from the mother fucking sons of bitches who held the pearl of the orient seas for about 45 years as their imperial captives. Yes, I believe, but in a physical state alone.

The Philippines, with all honesty, is a country still under these arrogant white chongos, be it in terms of education, language, and mentality.

Our colonial mentality that hails from the Americans still stands as the biggest factor of corruption in the Philippines. This article would like to attempt to expose proofs to my statement.

First, these Americans claim that our country is a country of bitches, of sluts, and of prostitutes. According to the “black pussy” (as coined by Ms. Marlene Aguilar) Ambassador Harry Thomas, many foreign tourists are coming to the Philippines just for sex tourism. At first sight, I doubt if he does it too. How dare he judge those innocent young women!? By the way, he’s country is simply and materially the biggest sex center, right? At least kahit paano, may marami pa namang 15 years old na virgin dito sa atin.

In APO Hiking Society’s song, “American Junk”, the legendary OPM trio pronounced that they give us their tiknoloji (technology) just to get our money and capture our natural resources. The “American dream” that is adapted by many Filipinos, in deed, steals our natural resources: the Filipino workers. It’s not really bad to dream to work to other countries, but there are many Filipinos abroad already. Pinayaman ang ibang bayan…pamilya’y iniwanan.

Lastly, they corrupt our Filipino identity. Our identity us Filipino is truly critical as of the moment, due to the different illusive influences they brought to us: media, technology, etc. They steal our being Filipinos. They are stealing our nation’s soul.

APO Hiking Society singing their hit classic, "American Junk"
So I there fore, would like to part take in an activist activity against the “Aquino-American” administration in the Philippines. Mr. Aquino, if you are really driving a drive against mass corruption in the Philippines, please do not collaborate nor avoid joining forces with this goddamn sons of bitches, who actually and invincibly corrupt our Filipino spirit.

Monday, October 10, 2011

Happy Birthday John Lennon

Kung buhay lang ngayon si John Winston Ono Lennon, 71 years old na sana siya.


Kilala niyo ba si John Lennon?


Siya lang naman yung dating lead vocalist ng The Beatles.


Siya yung nagpa-uso ng mga kantang 'Imagine', 'Jealous Guy', 'Stand by Me', atbp.


Isa ang pangalan ni Lennon sa may pinaka-malawak na impluwensiya sa popular na kultura. Ang mga kanta niya ang nagbigay kulay sa mga peace activists/advocates noong dekada 70's. Although atheist siya, iniidolo ko pa rin siya dahil sa pagiging malupit niyang artista, musikero, at higit sa lahat, aktibista.


Hay, sana buhay pa ngayon si John Lennon sa kasalukuyan, patuloy ko siyang hahangaan at iidolohin. Dapat rin natin siyang idagdag sa listahan ng mga idolo nating musikero. Bakit? Because for me, John Lennon's music is simply the music that erases the preconceived notions that we have in music. His music is highly influential.


Mabuhay ka Mr. John Winston Ono Lennon, a.k.a. JOHN LENNON!


Peace!

Friday, October 7, 2011

Pag-ibig sa Gitna ng Dalawang Binatilyo

Ang balita na marahil ay hinusgahan ng maraming konserbatibong at nagmamagaling na Pinoy ay ang pagpatay at pagkakamatay ng dalawang binata. Sila Jonathan Salvador (16 years old) at Jake Emerson Perez (13 years old). Napaka-bata pa nilang dalawa na pasukin ang masidhing mundo ng pag-ibig-lalo't higit ang pag-ibig para sa kapwa Adan.

Noong una kong marinig ang nasabing balita ay napamura ako, dahil sadyang napaka-bata pa nila. Subalit noong mas pinalalim ko ang aking makitid na utak ay napag-tanto ko na "oo nga pala, mahirap husgahan ang pag-ibig." Batid ko na tunay ang pagmamahalan nila- as in 'yung pag-ibig na hindi katulad ng ibang bading na sadyang sex lang ang habol.

Pinatay ni Jake si Jonathan dahil sa selos. Makikita ang iba't-ibang uri ng pag-eemote sa T-shirt ni Jake na nagsilbing suicidal note niya. Binigay niya raw ang lahat.

Hindi natin mahuhusgahan ang ginawa nilang pagmamahalan. Sabihin nating "bawal" o "immoral" ang kanilang pagmamahalan, hinding-hindi natin sila mahuhusgahan. Hindi ba't kung tayo'y may minamahal na babae o lalaki o bakla o tomboy, ay gagawin natin-ibibigay natin-ilalaan natin ang lahat ng ating pagmamahal para sa ating iniibig.

Sabi nga ni Baltazar sa Florante at Laura, "o ang pag-ibig, hahamakin ang lahat, masunod lamang."